-
Madalas kasi gumagawa ako ng gym goals ko, pero ngayon hindi na. Maya-maya kasi, titigil ako magbuhat ng bakal sa loob ng isang buwan or dalawang buwan o kaya mayamaya kumakain ako ng cake, ice cream, bandehadong kanin etc.
Pero may aaminin ako, hindi ako nag-bebench press na gamit ay barbell dati. Nahihiya ako for two things: baka bumukol at baka di ko mabuhat. Hahaha.
Speaking of hiya, dati talaga napakagalang ko sa gym. Kukuha na lang ako ng dumb bells or equipments, nakayuko pa ulo ko at saka mag-eexcuse, "Sir pwede ba magamit ang xx pounds ek ek," o kaya naman "ate pagkatapos mo ako naman."
Syempre talaga mahihiya ako, mahiyain kasi akong tao at marunong ako gumalang. Well pinalaki talaga ako na magalang.
Pero times have changed.
Bukod sa pag galang marunong na din ako lumuhod sa men's locker room, pangarap ko kasi maging madre kaya sinisimulan ko na...ay
Ay teka mali na pala ang kino-confess ko.
Anyway, yun nga mahiyain nga ako.
Pero times have changed.
Sayang naman ang sungay ko at skills ko sa bullying kung di ko ito i-eemploy sa gym.
Halimbawa na lamang noong last July, habang nakaharap ako sa salamin at nag se-seated shoulder press, si kuya biglang hinila ang isang bench na pwedeng iincline at doon buong ningning sya na nag incline bench press with a 50-pounder dumb bells. So imbes na mag-excuse me ako, niluwagan ko na lang ang pin ng bench nya, dahil saktong tumayo sya para makipag-tsismisan sa kumpare nya doon sa tread mill after ng isang set. On the lighter side, wala na rin naman madadamage sa mukha nya eh.
Pero at least di ko sya pinatid na tulad ng ginawa ko..ay
Ay teka, mali na naman ang naiitype ko.
Ah yun nga, sabi ko hindi na ako magseset ng mga gym goals na gaya ng Abs to Die for or 8% na Body Fat.
Nafufrustrate lang ako.
Happy na ako hindi na bumalik ang aking bronchitis ko, na for the past two years, ganitong season sila sumulpot. At im physical fit daw ayon sa aming annual physical exam.
Pero syempre iba pa din kapag may goals sa gym, so magseset pa din ako ng goals hahaha!
(uhmm medyo gusto ko na din batukan ang sarili ko)
Actually GOAL, walang S.
Ang gym goal ay maging kasing ganda ng katawan ko si Craig Horner ng palabas na the Legend of the Seeker. Shetttt..nanlalaway ako sa kanya. Pati kulani ko natutunaw kapag napapanood ko sya. Hayyy.. Oh Craig.


Hay nipples pa lang ulam na.



